D-9 to Super Show 5 in Manila! Ready ka na ba?

Note: This post is in Filipino/Tagalog. If you are a foreign fan who’s going to watch the concert and if you have some questions, just leave a comment and I’ll try to help you^^

Yes! So 9 days na lang bago ang pinaka-aabangang concert ng taon! Ang tanong, ready ka na ba? Bago ako magpatuloy eh hayaan nyo akong batiin muna ng happy birthday si dear bias Lee Donghae! Happy Birthdaaaaaay! *confetti* woooo!

Ayan, mabalik tayo sa usapang SS5 Manila. Narito ang ilang tips (at cheats?) na dapat tandaan ng lahat ng ELF na pupunta sa concert! Dapat laging handa kaya ngayon pa lang, ihanda na ang puso, kaluluwa, ticket, vocal chords, stamina, pera, pamalo ng katabi, regalo kay oppa(?), lightstick, lanyard, t-shirt o kung ano pang kailangan mo para sa October 24, tatambling ka na lang at pupunta sa Mall of Asia Arena para sa Super Show 5 in Manila!

(cr: manilaconcertscene)

(cr: manilaconcertscene)

REMINDER # 1: TICKET

Ang unang tanong, may ticket ka na ba? Kung wala pa, punta na sa pinakamalapit na SM Mall, dumerecho sa SM Tickets at bumili kay ateng cashier ng tickets for Super Show 5 in Manila. Sa pagkaka-alam ko, may mga Upperbox, Lowerbox, GenAd at standing tickets pa kaya ano pang hinihintay mo? Takboooo!

Kung may ticket ka na naman, congrats at nagbunga na ng ticket ang perang pinagpaguran mong ipunin or hingin kay mommy o daddy o tita, tito o ninong at ninang. Naipapalit mo na din ba yung ticket mo sa isang E-plus card para makuha mo yung rebate? Kung hindi pa, punta ka lang ulit sa SM Tickets at i-claim ang E-plus card sa E-plus card booth. Hindi ko alam kung ano ang sistema sa pagpapalit ng ticket to card dahil hindi ako magpapapalit pero according to Ms. Happee Sy, magtabi pa rin ng photocopy ng ticket/photo ng ticket bago magpapalit para sure!

Never dapat kalimutan ang E-plus card at yung ticket o copy nito sa concert day. TANDAAN! Hindi kayo papapasukin sa MOA Arena kung walang ticket, of course! Kahit sabihin ninyo na bumili kayo at alam ninyo yung area at seat number tapos nakalimutan nyo yung ticket, I don’t think na papayagan pa rin kayong pumasok sa loob. Kaya bago umalis ng bahay, siguraduhin na dala nyo na yung ticket ninyo, okays?

PS.

Last Super Show 3 kasi, naka-witness kami ng ilang mga insidente like nananakawan ng ticket. OO, may nagnananakaw ng ticket! Kalerkey! Or kung hindi nawawala bigla yung ticket, yung bag or wallet na may kasamang ticket ang nawawala. So sa concert day, kahit excited na excited kayo, huwag pa ding kalimutan ang safety ninyo at ng inyong mga gamit *wink*.

REMINDER #2:  LIGHTSTICK

Question: Ate ano yung lightstick?

Answer: Light. Stick. Stick na may light? Light na stick?

Okay! So alam nyo naman siguro yung lightstick diba? Oo yung colorful na stick na may light na iwinawagayway kapag may concert. BUT WAIT THERE’S MORE! Dahil Super Junior concert ang Super Show 5, alam nyo naman siguro na dapat BLUE ang kulay ng lightstick. Utang na loob sana walang magdadala ng multi-colored or rainbow lightstick, panira ng blue oceaaaan! Tandaan, BLUE, BLUE at BLUE lang ang pwede =) Hindi naman kayo palalayasin kung colorful yung lightstick ninyo, baka resbakan lang kayo ng mga katabi ninyo pag nagkataon. Or kung mabait yung katabi mo, baka pahiramin ka ng blue.

Ganito oh:

Lightsticks!!! (photo not mine, got it from google images)

Lightsticks!!! (photo not mine, got it from google images)

Question: Ate may lightstick ka na? Pwede pahingi?
Answer: Lul.

Madaming mapagbibilhan pa ng lightstick online. Alam ko, sa SJUPH na Facebook page, may binebenta pa silang lightstick for 85 pesos. May mga online shop din na may on-hand na lightstick pa kagaya ng Sapphire Hearts Shop. Ingat ingat sa bogus at scammers please. Mas okay kung bibili na lang kayo ng on-hand kesa yung pre-order dahil malapit na ang SS5 Manila. Mahirap na, baka madelay.

Kung adik ka naman sa Super Junior merchandise na tipong kahit walang concert eh nakaipon ka na ng bulto-bultong lightstick, dala ka ng extra. Baka kasi yung katabi mo, wala, pahiramin mo, yikeee new friend. Wag mo lang kalimutang kunin ulit sa kanya hihi.

Kung nagtitipid ka naman, meron ding ibinebenta sa National Bookstore na disposable light stick, yung binabali or tinutuktok para lumabas yung kulay. Sa National sa may SM North may nakita ako dati sa may area nila for chessboards. Meron pa silang stocks ng blue lights.^^

PS.

Please. Utang na loob. Maawa. Please walang magbabato ng lightstick sa katabi or sa members o kahit kanino. Ayaw nyo naman sigurong magkagulo sa concert dahil sa pambabato diba? Kahit gaano ka kagigil na nasa harap mo ang Super Junior, hindi pa din tama na batuhin sila ng flying lightstick, flying kiss na lang *yay kilig!*

REMINDER #3: OUTFIT

Ayaw nyo naman sigurong manuod ng concert na hindi ka kumportable sa suot mo diba? Wear something comfy para hindi hassle habang nanunuod. Pwede namang t-shirt na blue para feel na feel mo yung concert. Or kung gusto mo yung fanmade shirts, madaming nagbebenta online kagaya ng Heebumiesworld Shop. Simula pa man Super Show 2 eh nagbebenta na sila ng goodies kaya trusted talaga sila. May mga packages din silang binebenta ngayon especially for Super Show 5 in Manila.

Tip lang din sa sapatos, mas okay kung yung sapatos na pinaka-kumportable ka yung susuotin mo. Lalo na sa mga nasa standing area. Kahit gustuhin mo na tumangkad pa ng kaunti at magsusuot ka ng heels, pagsisisihan mo sa huli. Masakit matapakan, swear! So  mas maganda kung closed shoes like sneakers o rubber shoes.

Kung seated ka naman at feel mong mag-cosplay, wala din namang problema. Pwede mong gayahin si MingHyuna…

Or si KyuLoki kung madami ka pang time para mag-prepare hahaha!

(credit goes to its respective owner)

(credit goes to its respective owner)

Asahan mo nga lang ang dagsa ng taong magpapa-picture sa’yo hahaha!

REMINDER #4: FANCHANTS

Pwede bang kalimutan ang fan chants? Syempre hindi! Dapat ihanda ang vocal chords para sa buong araw na tilian, sigawan at kantahan! Sabi nga ni Henry na LAUdest ang Philippines so hindi natin sila dapat i-disappoint this time! Mag-aral ng fanchants ng mga Super Junior songs na makikita nyo naman sa Youtube.

Pero dahil mas trip yata ng Philippine ELF na gawing noraebang ang mga venues ng Super Show sa Manila, mas cool din kung ime-memorize yung lyrics ng mga kanta nila. Kung hindi nyo ma-gets kung ano yung sinasabi ko, better watch this:

Pinanuod mo? Oha diba, goosebumps?


REMINDER #5: FAN PROJECTS

Lagi na lang pag may Super Show, hindi nawawala ang mga fan projects. As usual, SJUPH at ang mga individual FCs ang abala sa mga fan projects. May mga food support, banner projects at mga group photo activities. Kailangan pa ng mga donations para sa mga nasabing project kaya don’t forget to help!

Para sa listahan ng mga projects for Super Show 5 in Manila, narito ang LINK.

REMINDER #6: DISIPLINA PLS.

Bukod sa mga concert essentials na nabanggit ko sa taas. Maganda rin na alalahanin ang basics ng pagiging disiplinado. Madami na din kasi akong napuntahang SJ events at laging issue ang disiplina. Paalala dear ELF, hindi kailangang magpakita ng wild side kung kaya namang maging disiplinado. ^__^

Example, kapag pipila. Kapag pinapila. Pumila. Wala namang mawawala kung pipila ng maayos. Parang nung SiHae event ng Bench. Nung nag-start silang magpapasok ng may mga raffle stub, nagkagulo ang lahat at halos magka-stampede. Narinig ko pa yung mga nasa likuran kong fangirl na sinabing (Non-verbatim) “Hindi nyo kami mapapaayos hangga’t hindi sila oppa yung lumalapit.” HELLO ATE, KALMA. Hindi naman lalapit sa’yo ang SiHae para sabihing ‘Calm yo tits yo!’. Hindi rin kailangang magtulakan. Hindi ba’t mas peaceful at mas maayos kung walang tulakan. Alam ko na kahit kailan ay hindi parallel ang mga konsepto ng oppa at kalma, pero guys kalma please. Huwag gumawa ng mga bagay na ikakapahamak ninyo at ng iba, oks?

FINAL SERMON

So ayan, andami ko nang nasabi. Muntik ko nang makalimutan yung mga fan signs, fan banners at gifts. May mga rules ang SM Mall of Asia Arena sa mga bagay na pwede at hindi ninyo pwedeng gawin at dalhin sa loob. Better search for the rules ng MOA Arena to be sure. Noong 2PM concert kasi, may mga nagdala ng donuts na balak sigurong ibigay sa members pero hinarang lang ni manong guard. Better donate na lang sa food support ng SJUPH para siguradong makukuha nila yung pagkain ^_^. Magdala lang din siguro ng extra shirts yung mga balak magstay sa MOA from morning to concert time. Ayaw  nyo naman sigurong mag-amoy araw diba.

So ayun, ihanda na ang backpack, ticket, lightstick at iba pang mga concert paraphernalia. Wag ding kalimutang dalhin ang common sense, disiplina at kung anu-ano pang essentials ng pagiging isang huwarang fan girl o fan boy. Good luck sa ating lahat at nawa’y nakatulong ang post na ito. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s